Lions rumesbak sa Blazers Knights umangat
MANILA, Philippines - Inilista ng Letran ang ikalimang sunod na panalo nang pabagsakin ang dating walang talong Perpetual Help, 79-71, para sa 91st NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Nagpakilala si Jomari Sollano nang naghatid siya ng 14 puntos, 6 rebounds, at tig-tatlong blocks at assists upang hiyain ang match-up nila ni Altas import Bright Akhuetie para sa pinakamagandang panimula sa huling dalawang taon na 5-0 baraha.
Ang leading scorer ng liga na si Akhuetie sa ibinibigay na 25 puntos bukod sa 15 boards ay nalimitahan lamang sa pitong putos at anim na boards.
“Like what I have been saying, sina Mark (Cruz), Rey (Nambatac) at Kevin (Racal) given na iyon. Ang gusto namin ay may iba naman. Si Jomari, rookie-veteran ‘yan dahil batak na siya sa laban sa Cesafi bago siya dumating sa amin,” wika ni coach Aldrin Ayo na kapos na lamang ng dalawang laro para pantayan ang 7-0 start ng Knights dalawang season ang nakararaan.
Sina Cruz at Nambatac ay mayroong tig-15 putos habang si Racal ay may 14 puntos at ang tatlo ay nagsanib sa 17 rebounds at 7 assists.
May 22 puntos 9 rebounds, 6 assists, 2 blocks at 1 steals si Earl Scottie Thompson pero ininda ng Altas ang 27 turnovers, siyam sa ikatlong yugto para ang dalawang puntos na abante sa first half ay lumawig sa 58-51 patungo sa ikatlong yugto.
Samantala, kinuha ng San Beda Red Lions ang ikalawang sunod na panalo matapos lumasap ng unang kabiguan gamit ang 73-67 panalo sa St. Benilde Blazers sa unang laro.
Hindi ininda ni Ola Adeogun ang nananakit na kaliwang hamstring para magkaroon ng 25 puntos (10-of-12 shooting) at 13 rebounds habang si Arthur dela Cruz ay gumana rin sa itinalang 10 puntos, 10 rebounds at 6 assists para ibigay sa Mendiola-bassed-cagers ang 4-1 baraha para sa ikatlong puwesto.
Ang dalawa ay nagsanib sa 26 puntos sa 9-of-12 shooting sa halftime para ilayo ang Lions sa 35-16 bago nakontento sa 41-28 kalamangan.
San Beda 73- Adeogun 25, dela Cruz 10, Cabanag 9, Sara 6, Tankoua 6, Koga 5, Tongco 5, Reyes 3, Solera 2, Sedillo 2, Mocon 0.
St. Benilde 67- Grey 16, Saavedra 15, Domingo 8, Fajarito 8, Sta. Maria 7, Castor 7, Ongteco 4, San Juan 2, Jonson 0, Nayve 0, Young 0.
Quarterscores: 20-8; 41-28; 50-48; 73-67.
Letran 79- Namabatac 15, Cruz 15, Sollano 14, Racal 11, Luib 8, Quinto 8, Calvo 4, Apreku 2, Publico 2,.
Perpetual Help 71- Thompson 22, Dagangon 12, Eze 10, Akhuetie 7, Ylagan 6, Coronel 5, Dizon 3, Oliveria 2, Elopre 2, Sadiwa 1, Gallardo 1, Tamayo 0, Cabiltes 0, Pido 0
Quarterscores: 16-17; 36-34; 58-51; 79-71.
- Latest