laban sa west ni villareal Amit ibabandera ang East sa Queen’s Cup

MANILA, Philippines - Handa na ang lahat para sa AM8.com Queen’s Cup na gagawin mula Abril 16 hanggang 18 sa The Plaza sa Newport Mall ng Resorts World Manila.

Tig-apat na manlalaro sa kababaihan ang bubuo sa West at East Teams para paglabanan ang titulo sa isang Ryder Cup format na kompetisyon.

Ito ang ikalawang edis­yon ng kompetisyong handog ng Dragon Promotions at ang East ang siyang magtatangka na maidepensa ang titulo.

Mangunguna sa East si Filipina pool player at dating World Champion Rubilen Amit na siya ring itinalaga bilang team captain.

Makakasama niya sina Eunji Park ng South Korea, Jennifer Chen ng Chinese Taipei at number one lady player Siming Chen ng China.

Ang West ay ibabandera nina Jennifer Barretta at Vivian Villareal ng USA,  at Billiard Congress of American Hall of Famers Karen Corr ng Ireland at Ewa Laurance ng Sweden.

“With the collection of talents this rich, this is arguable the country’s biggest women’s sporting event of the year and Resorts World Manila is once again thrilled to host this year’s Queens Cup,” ani RWM’s director for Special Events and Promotions Francis Bonnevie.

Ten-ball ang gagamitin sa tatlong araw na tagisan at ito ay gagawin sa singles, doubles, triples at 4-on-4 format. (AT)

Show comments