Volleyball tatalakayin ngayon sa PSA Forum

MANILA, Philippines – Pag-uusapan ang nalalapit na First Conference ng Shakey’s V-League sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Shakey’s Malate.

Pamumunuan ng mga opisyales ng nag-oorganisa Sports Vision ang mga panauhin sa pang alas-10:30 ng umagang public sports program na isinasaere nang LIVE sa DZSR Sports Radio 918 at inihahandog ng San Miguel Corp., Accel, Shakey’s at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Tatalakayin nina Sports Vision chairman Moying Martelino at president Ricky Palou ang season-opening tournament na pakakawalan sa Easter Sunday pati na ang kanilang mga plano para sa liga sa kabuuan ng taon.

Show comments