‘Kakaiba ako sa mga nakalaban mo!’
“Kakaiba ako sa mga nakalaban mo.”
MANILA, Philippines – Ito ang mensahe ni Manny Pacquiao kay Floyd Mayweather Jr. na siya niyang makakatuos sa kinasasabikang laban sa Mayo 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.
Sa maituturing na hayagang pagmamaliit sa kakayahan ng pound-for-pound at walang talong si Mayweather, sinabi ni Pacquiao na nagmumukhang magaling ito dahil ang mga nakalaban ng Amerikanong boxer ay hindi gaanong sumusuntok.
“He has very good speed and footwork and he has punches and that makes him look good. But it depends on the fighter he is going to fight,” wika ni Pacquiao sa Yahoo Sports.
Idinagdag pa ni Pacman ang katotohanang kayang-kaya niyang magpakawala ng maraming suntok na sunud-sunod bukod sa galing sa pagkilos sa loob ng ring.
“There is nobody out there who really has thrown a lot of punches at him, but I’m going to do that. He is a very good boxer, but I know how to box and can move side to side and throw punches. I’m going to throw a lot of punches, a lot of hard punches,” may kumpiyansang pahayag pa ng Pambansang kamao.
Nagsimula na sa pagsasanay sa Wild Card Gym si Pacquiao pero sina Filipino trainers Buboy Fernandez at Marvin Sonodio ang mangangasiwa dahil nasa Macau si Freddie Roach para tulungan si Chinese Olympian Zou Shiming na makatikim ng kampeonato sa IBF flyweight division. (AT)
- Latest