^

PSN Palaro

Westbrook nanalasa sa panalo ng Thunder

Pilipino Star Ngayon

CHARLOTTE, North Carolina – Matapos ang isang linggong palitan ng players, nagkaroon na rin si Russell Westbook ng pagkakataong makita ang mga bago niyang kakampi sa basketball floor.

Nang tanungin kung gaano ang magiging lakas ng Thunder kapag nakuha na nina Kyle Singler, Enes Kanter at D.J. Augustin ang sistema at ang pagbabalik nina Kevin Durant at Steven Adams sa lineup mula sa injuries, malaking ngiti ang isinagot ni Westbook.

Sa pagpapagaling ni Durant ng kanyang foot injury, ipinagpatuloy ni Westbrook ang kanyang mainit na laro matapos magtala ng 33 points at 10 assists, habang naglista sina Serge Ibaka at Kanter ng double-doubles para igiya ang Thunder sa 110-103 panalo laban sa Charlotte Hornets.

Ito ang pang-limang sunod na panalo ng Oklahoma City.

“We feel confident with what we have as a unit, especially with the great pieces we have,” ani Westbrook. “Once we get everybody healthy and rolling we are going to be tough to beat. For now we have to come in every night and take care of business.”

Sa Miami, humugot si Eric Gordon ng 16 sa kanyang 24 points sa third quarter para pangunahan ang New Orleans Pelicans sa 105-91 panalo laban sa Heat.

Nagdagdag si Omer Asik ng 15 points kasunod ang 13 ni Tyreke Evans para wakasan ang four-game slide ng Pelicans.

Sa Los Angeles, kumamada si J.J. Redick ng 24 points, kasama ang apat na three-pointers, para ihatid ang host team na Clippers sa 126-99 pag­lampaso sa Sacramento Kings.

Tumipa si Austin Rivers ng career-high 28 points kasunod ang 23 ni reserve Jamal Crawford para sa ikaapat na sunod na panalo ng Clippers.

AUSTIN RIVERS

CHARLOTTE HORNETS

ENES KANTER

ERIC GORDON

JAMAL CRAWFORD

KEVIN DURANT

KYLE SINGLER

NEW ORLEANS PELICANS

OKLAHOMA CITY

OMER ASIK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with