Creamline sisimulan ang title defense vs Petro Gazz
MANILA, Philippines — Matapos hindi makalaro sa nakaraang dalawang komperensya ay inaasahang isasalang ng nagdedepensang Creamline sina Alyssa Valdez at Tots Carlos sa 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Sisimulan ng Cool Smashers ang pagtatanggol sa korona sa pagharap sa Petro Gazz Angels ngayong alas-6:30 ng gabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
“Our preparation remains unchanged. Just like in previous conferences, we’re focused on training camps and tune-up games,” wika ni Valdez sa Creamline.
Handa ang Petro Gazz sa pagbabalik nina Valdez at Carlos.
“Against Creamline, it’s gonna be very, very hard,” sabi ni Fil-Am star spiker Brooke Van Sickle. “We just have to come out fired up and see what kind of magic we can make work.”
Bilang preparasyon ay sumalang ang Cool Smashers sa practice games sa Taiwan at sa isang pickup match laban sa isang Japanese team.
Solo ng Akari ang liderato bitbit ang 2-0 baraha kasunod ang Petro Gazz (1-0), PLDT (1-0), Chery Tiggo (1-0), Choco Mucho (1-1), Capital (0-1), Nxled (0-1) at Galeries Tower (0-2).
Mag-uunahan ding makasampa sa win column ang HD Spikers at Foxies na ipaparada si dating Cignal team captain Rachel Anne Daquis.
- Latest