13 foreign squads darating sa Biyernes

MANILA, Philippines – Darating sa bansa sa Biyernes ang kabuuang 13 foreign squads, ang 11 dito ay continental at dalawa ang national teams, dalawang araw bago pakawalan ang sixth edition ng Le Tour de Filipinas sa Balanga, Bataan.

Ang unang lalapag sa karerang inihahandog ng Air21 katuwang ang MVP Sports Foundation at Smart ay ang Navitas Satalyst Racing Team mula sa Australia kasunod ang Pishgaman Yzad Pro Cycling Team ng Iran, ang CCN Cycling Team ng Brunei at ang Kazakshtan National Team at ang Team Novo Nordisk ng US, ang unang professional cycling team na binubuo ng mga riders na may Type 1 Diabetes.

Susunod naman ang RTS Santic Racing Team at Attaque Team Gusto ng Taiwan, ang Singha Infinite Cycling Team ng Thailand, ang Pegasus Continental Cycling Team ng Indonesia, ang Terengganu Cycling Team ng Malaysia, ang Bridgestone Anchor Cycling Team ng Japan, ang Tabriz Petrochemical Team ng Iran at ang Uzbekistan National Team.

Makakatapat nila ang mga local squads na 7-Eleven-Road Bike Philippines at ang PhilCycling’s National Team sa Feb. 1 -4 UCI Asia Tour race na suportado rin ng Victory Liner, San Mig Zero, Novo Nordisk Pharmaceuticals Phils. at ng Canon bilang major sponsors.

Bibigyan ang mga cyclists ng buong araw na pagsasanay sa Sabado kung saan magdaraos ang nag-oorganisang Ube Media ng Team Managers meeting na pamumunuan nina  Le Tour organizer Donna Lina at UCI International Commissaire Peter Tomlinson ng Australia.

Show comments