Warriors ipinagpag ang Celtics

Naglambitin sa goal si Stephen Curry ng Golden State matapos dakdakan si Gerald Wallace ng Boston sa second half sa NBA.

OAKLAND, California — Kumolekta si guard Stephen Curry ng 22 points at 11 assists, habang kumamada si Klay Thompson ng 31 points para tulungan ang Golden State Warriors sa 114-111 panalo laban sa Boston Celtics.

Ito ang ika-19 sunod na home win ng Warriors.

Nagdagdag si Andrew Bogut ng 13 points at 13 rebounds at may 14 points si Draymond Green para sa Warriors, may NBA-best record na 36-6.

Bumandera naman si Jared Sullinger para sa Celtics sa kanyang 26 points at 9 rebounds.

Nalasap ng Boston ang kanilang pang-apat na kabiguan sa huli nilang anim na laro.

Dalawang araw matapos umiskor ng NBA-record 37 points sa kabuuan ng third quarter sa kanilang 126-101 panalo laban sa Sacramento Kings, nagtumpok si Thompson ng 11 for 19 fieldgoal shoo­ting at may 6 for 8 sa free throw line.

Umiskor siya ng 18 points sa second half.

Naiposte naman ni Curry ang kanyang pang-15 double-double ngayong season.

Sa iba pang laro, na­nalo ang Miami sa Chica­go, 96-84; Cleveland sa Oklahoma City, 108-98 at L.A. Clippers sa Phoenix, 120-100.

Show comments