Guirado, 2 pa kakampanya sa Ceres La Salle FC sa Maldives

MANILA, Philippines - Tatlong kasapi ng Philippine Azkals ang babalik sa ka­nilang club team Ceres La Salle FC para pangunahan ang paglahok sa Asian Football Confederation (AFC) Cup sa Maldives.

Ang mga ito ay sina Juani Guirado, Patrick Rei­chelt at Paul Mulders na gagawin ang lahat para talunin ang Maldivian champion Maziya Sports and Recreation Club sa Pebrero 17.

Ang mananalo sa larong ito ang siyang aabante sa main draw sa AFC Cup at mabibilang sa Group E.

Ilang kasapi ng Maldives national team na tinalo ng Azkals sa Challenge Cup semifinals ay maglalaro rin sa Maziya kaya’t inaasa­hang magiging mahigpitan ang tagisan.

Ang Ceres ang United Football League FA Cup champion ay magnanais na maging ikalawang Philippine team na maglalaro sa group stage.

Una nang nakapasok ay ang Global FC, ang UFL Cup titlists na may puwesto na sa Group G kasama ang Pahang ng Malaysia, South China AA ng Hong Kong, Yadanarbon ng Myanmar.

Naniniwala naman si Dan Palami na maganda ang pangyayaring ito sa Philippine football.

“This is a good opportunity, not just for Global but for all the clubs as well because the door has been opened for our participation in the AFC Cup,” wika ni Palami na siyang team manager ng Azkals.

“We have the growth of clubs also to complement (success of the Azkals). This will be the best formula for improvement of Philippine football.

 

Show comments