Lim handa na sa India netfest
MANILA, Philippines – Pinahina ng injury, nagbabalik sa porma si top junior netter AJ Lim para sumabak sa mga top-level ITF (International Tennis Federation) tournaments sa Enero ng susunod na taon bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa Australian Open Juniors.
Nakarekober na ang 15-anyos na si Lim mula sa groin strain na nagpaupo sa kanya sa halos tatlong buwan.
Sa isang major event kamakailan ay nabigo si Lim kay many-time PCA champion Johnny Arcilla via four sets.
Sa kabila nito, nanatili si Lim bilang isa sa mga players na inaabangan sa India ITF Junior 1 sa Chandigarh na nakatakda sa Jan. 5-15.
Lalahok siya sa Delhi ITF Juniors sa New Delhi sa Jan. 12-17 at sa Sri Lanka F1 Futures, isang $10,000 men’s tournament sa Colombo sa Feb. 2-8.
“I’ve been hitting solid and I hope to contend in India and Colombo,” wika ni Lim.
Umabante siya sa finals ng La Consolacion tournament, itinaguyod ni Dave Mercado ng Stronghold Insurance Inc., matapos talunin si men’s No. 1 PJ Tierro, 7-6 (5), 7-6 (4).
Ang iba pa niyang mga biktima ay sina Marc Reyes sa quarters (6-3, 6-3) at Elbert Anasta, 6-2, 3-6, 6-4.
- Latest