^

PSN Palaro

Gilas nais ni Baldwin na lumaro sa Rio Olympics

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inaasahang maraming basketball fans ang mahihi­rapang maniwala kay Tab Baldwin.

Kagabi, sa kanyang unang pagharap sa media bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas ay sinabi ng 56-anyos na si Baldwin na gusto niyang makitang naglalaro ang Nationals sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

“I want to see Gilas Pilipinas in Rio (Olympics) and gold medals hanging on our necks in the FIBA-Asia qualifiers,” deklarasyon ni Baldwin, pumalit kay Chot Reyes bilang mentor ng Nationals.

Bago makalaro sa Rio Olympics sa 2016 ay kailangan munang magkampeon ang Gilas Pilipinas sa FIBA-Asia Championship, ang tatayong qualifying tournament na nakatakda sa susunod na taon.

Si Baldwin ay pinapirma ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, nasa pamumuno ni president Manny V. Pangilinan, ng four-year contract para siguruhin ang tagumpay ng kanyang ilalatag na programa sa Gilas Pilipinas.

Sinabi ni Baldwin na bubuo siya ng National team mula sa training pool ng mga players na mangggaling sa PBA.

Sa likod ni Reyes ay nakapaglaro ang Natio­nals sa FIBA World Cup sa Spain matapos kunin ang silver medal sa FIBA-Asia Championship noong 2013 na inilaro sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumpiyansa si Baldwin sa kakayahan ng mga Filipino cagers.

Solidong suporta naman ang ibibigay ni PBA Commissioner  Chito Salud at ng PBA Board sa prog­rama ni Baldwin.

“The next process is who are the players Tab Baldwin wants. Let’s give Mr. Pangilinan and coach Tab Baldwin time,” wika ni Salud.

ASIA CHAMPIONSHIP

BALDWIN

CHITO SALUD

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

MALL OF ASIA ARENA

MANNY V

MR. PANGILINAN

TAB BALDWIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with