Le Tour bahagi na ng tourism promotion
MANILA, Philippines – Ang ang Le Tour de Filipinas ay magiging bahagi na ng tourism promotion.
Ito ay matapos isama ng Department of Tourism (DOT) ang nasabing four-stage international cycling race sa kanilang “Visit the Philippines Year (VPY 2015)” program.
Dahil dito, makakasama ang Le Tour de Filipinas sa 10 pang ibang events sa ilalim ng “It’s More Fun in the Philippines” campaign ng DOT.
“This is a major development for the Le Tour de Filipinas, which will run its sixth edition in February,” sabi ni Bert Lina, ang chairman ng Le Tour de Filipinas at ng PhilCycling.
Inilaan ng DOT ang 2015 bilang “Visit the Philippines Year (VPY 2015).”
Ang kanilang marketing arm na Tourism Promotions Board ang namumuno sa year-long campaign na naghahangad na hikayatin ang mga local at foreign tourists na lumahok sa iba’t ibang inilatag na events habang ipinapakita ang mga magagandang destinasyon sa bansa.
Ang official VPY 2015 website ay inilunsad at tinampukan ng mga events, programs, festivals at iba pa sa www.phl2015.itsmorefuninthephilippines.com. Ang Le Tour de Filipinas at iba pang sporting events sa program ay makikita sa website http://visitph2015.com/events/category/sports-adventure-and-eco-tourism.
Ang 2015 edition ng Le Tour ay nakatakda sa Pebrero 1 hanggang 4 sa susunod na taon.
Ang Stage One ay isang 126 kilometrong padyakan papunta sa Balanga, habang ang Stage 2 (153.75 kms) ay buhat sa Balanga hanggang sa Iba (Zambales), ang Stage 3 (149.34 kms) ay galing sa Iba patungong Lingayen (Pangasinan) at ang Stage 4 (101 kms) sa Pebrero 4 ay sa Lingayen papuntang Burnham Park sa Baguio City via Kennon Road.
Ang Le Tour de Filipinas ay ang tanging road race na isinama sa Asia Tour calendar ng International Cycling Union o UCI, ang world governing body para sa cycling.
Para sa 2015, umabot na sa 18 foreign teams ang nagsumite ng kanilang aplikasyon para makasali sa cycling event.
- Latest