Walang tigil ang ugong na matutuloy na ang laban ni Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa 2015.
Sa katunayan, may nagbukas na ng betting lines sa Las Vegas. Puwede ka ng pumusta sa South Point sports book sa pamamagitan ng Internet.
Ayon sa isang report, liyamado si Mayweather. Minus 300 siya sa pustahan. Ibig sabihin, kailangan mong tumaya ng $300 para manalo ka ng $100.
Si Pacquiao naman ay nasa minus 250 at kailangan mo maglabas ng $250 para tumama ng $100.
Slight favorite si Mayweather sa ganitong linya ng tayaan.
Mula ng binuksan ang tayaan, may sampung tickets na ang nailatag at siyam dito ay para kay Pacquiao. May isang pusta na nagkakahalaga ng $5,000.
Sabi ng South Point, kailangan matuloy ang laban bago ang May 31, 2015. Kung hindi ay ibababalik nila ang lahat ng taya.
Kailangan na matuloy ang laban dahil ito ang gusto ng tao.
Pangalawa, wala nang laban ang lalaki pa kesa sa Pacquiao vs Mayweather.
Isa pang senyales ay ang dahan-dahan na pagsadsad ng pay-per-view numbers ng mga nakaraang laban ng dalawang superstars.
Ayaw ng bilhin ng tao ang mga laban nila. Pareho na silang tumatanda at marami na siguro ang nawawalan ng gana.
Pero oras na i-announce nila ang laban, siguradong magtatalunan ang mga boxing fans.
Matinding pustahan ang kasunod nito.
Sinasabing aabot ng mahigit $200 million ang kikitain ng laban at sigurado rin na mas malaki ang hihingiin ni Mayweather.
Payag naman si Pacquiao rito. Huwag lang siya masyadong agrabyado.
Matuloy lang ang laban.
Fight si Pacquiao.