Ancajas umiskor ng KO sa Tanzanian boxer

MANILA, Philippines – Hindi si Manny Pacquiao ang Filipino fighter na umiskor ng knockout victory sa Cotai Arena sa The Venetian sa Macau, China.

Pinabagsak ni Jerwin Ancajas si Tanzanian opponent Fadhili Majiha mula sa kanyang mabigat na left hand sa third round sa kanilang non-title fight sa undercard ng Pacquiao-Algieri fight.

Itinigil ng referee ang laban sa 1:48 minuto ng third round nang hindi na makagulapay si Majiha para sa panalo ng taga-Cavite City na si Ancajas, lumalaban para sa MP Promotions ni Pacquiao.

Pinaganda ni Ancajas, ang tanging Filipino boxer na lumaban sa Pacquiao-Algieri card, ang kanyang win-loss-draw ring record sa 22-1-1 kasama ang 14 KOs.

Show comments