NLEX sinagasaan ang Blackwater
Laro Ngayon
(Cagayan De Oro City)
5 p.m. Alaska
vs Globalport
MANILA, Philippines - Humugot ng lakas ang NLEX mula kina Asi Taulava at Mac Cardona para pigilin ang kanilang pagbulusok.
Kumolekta ang 6-foot-10 na si Taulava ng 24 points at 10 rebounds, habang nagdagdag si Cardona ng 21 markers para sa 104-84 paggupo ng Road Warriors sa Blackwater Elite sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Ynares Center sa Antipolo City.
Nag-ambag si Jonas Villanueva ng 17 points kasunod ang 16 ni Aldrech Ramos at 10 ni Mark Borboran para wakasan ng three-game losing skid ng NLEX.
“It showed today that if we execute our defensive patterns, we are capable of winning this game,” sabi ni head coach Boyet Fernandez sa kanyang Road Warriors.
May 3-4 baraha ngayon ang NLEX sa ilalim ng Alaska (6-1), San Miguel (6-1), Ginebra (5-2), Rain or Shine (5-2), Globalport (4-3), Talk ‘N Text (4-3), nagdedepensang Purefoods (3-3) at Meralco (3-3) kasunod ang Barako Bull (2-5), Kia (1-7) at Blackwater (0-8).
Humugot si Taulava ng 15 points sa third period kung saan tinapos ng Road Warriors ang nasabing yugto bitbit ang 58-41 abante matapos makadikit ang Elite sa first quarter, 20-26.
Ganap na sinelyuhan ng NLEX ang kanilang panalo matapos ang four-point play ni Ramos para ibaon ang Blackwater sa 102-81 sa huling 1:10 minuto sa final canto.
Pinamunuan ni Ogie Menor ang Elite sa kanyang 15 points.
Samantala, tatangkain ng Alaska na makabawi mula sa kauna-unahan nilang pagkatalo sa pagsagupa sa Globalport ngayong alas-5 ng hapon sa Cagayan De Oro City.
Natalo ang Aces sa Barako Bull Energy, 78-85, noong Nobyembre 19, habang pinahiya ng Batang Pier ang Talk ‘N Text Tropang Texters, 105-97, noong Nobyembre 18.
NLEX 104 - Taulava 24, Cardona 21, Villanueva J. 17, Ramos 16, Borboran 10, Villanueva E. 8, Canaleta 3, Hermida 2, Raymundo 2, Apinan 1, Camson 0, Arboleda W. 0, Arboleda H. 0, Baloria 0.
Blackwater 84 - Menor 15, Celiz 11, Gamalinda 10, Faundo 9, Artadi 8, Heruela 6, Salvacion 6, Tiongson 4, Erram 4, Laure 4, Rodriguez 3, Timberlake 2, Nuyles 2, Ballesteros 0.
Quarterscores: 26-20; 58-41; 85-62; 104-84.
- Latest