Mas bumida si Galliguez sa panalo ng Cagayan

MANILA, Philippines - Inagaw ni Fil-Am Abel Galliguez ang atensyon na naunang ipinukol sa number one draft pick na si Moala Tautuaa nang kanain ang mga mahahalagang puntos sa ikalawang overtime para sa 89-84 panalo ng Cagayan Valley Rising Suns sa Café France Bakers sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Galliguez ay nagbagsak ng 10 sa kanyang 12 puntos sa ikalawang overtime at ang anim na sunod na puntos ay nakatulong para ilayo ang Rising Suns sa walo, 84-76.

“I got lucky in the se­cond overtime and made my shots,” wika ni Galliguez na may 22 puntos sa hu­ling panalo ng Cagayan laban sa Cebuana Lhuillier.

Ang 6’7 na si Tautuaa ang nanguna sa opensa sa kanyang 27 puntos bukod sa pitong rebounds at tatlong assists para sa Ri­sing Suns na sinaluhan ang Hapee sa unang puwesto sa 4-0 baraha.

Natalo ang Bakers sa unang pagkakataon matapos ang tatlong panalo.

Nakabawi na ang Gems sa magkasunod na ka­biguan sa 77-57 pagdurog sa Tanduay Light Rhum Masters sa unang laro.

Si Mar Villahermosa ay gumawa ng 14 puntos mula sa 4-of-8 shooting sa 3-point line, habang sina Kevin Ferrer at Allan Mangahas ay  nagbigay ng 13 at 11 puntos.

Ang tatlong ito ang na­nalasa sa ikalawa at ikatlong yugto upang ang anim na puntos na bentahe sa unang yugto, 17-11 ay lumubo sa 24, 63-39, papasok sa huling yugto.

Si Roi Sumang ay may 11 puntos para sa tropa ni coach Lawrence Chongson na natalo sa ikatlong sunod matapos magwagi sa unang asignatura.

Show comments