Win No. 3 itinarak ng Sta. Lucia, Supremo
Laro Bukas
(Marikina Sports Center)
7 p.m. FEU-NRMF
vs MBL Selection
8:30 p.m. Hobe-JVS
vs Kawasaki-Marikina
MANILA, Philippines - Nagtala ng magagandang panalo ang Sta. Lucia Land Inc. at Supremo Lex Builders-OLFU para sa kanilang ikatlong tagumpay sa idinaraos na 4th DELeague Invitational Basketball Tournament noong Martes ng gabi sa Marikina Sports Center sa Marikina City.
Tinambakan ng Sta. Lucia Land Inc. ang Uratex Foam, 96-73, habang binugbog ng Supremo Lex Builders-OLFU ang Philippine National Police, 89-71, para manatiling nasa ikalawa at ikatlong puwesto sa Group A kasunod ng wala pang talo at nagdedepensang kampeon Hobe Bihon-JVC.
May 15 puntos, apat na rebounds at apat na assists si Billy Robles at nagdagdag naman ng 11 puntos at tatlong mahahalagang steals si Jeff Vidal para pangunahan ang Sta. Lucia sa ikatlo nitong panalo sa apat na laro.
Nalaglag sa 1-2 ang Uratex habang 0-4 ang PNP sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, at Tutor 911.
- Latest