^

PSN Palaro

Lady Altas nagpakilala agad, Lady Bombers pinasabog

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan)

9 a.m.-Perpetual Help

 vs Jose Rizal (M)

Arellano vs Mapua (M)

St. Benilde vs Letran (M)

SSC vs  Lyceum (M)

San Beda vs EAC (M)

 

MANILA, Philippines - Nagpakitang-gilas agad ang bagong hugot na sina 6’2 Ma. Lourdes Clemente at Cindy Imbo para tulu­ngan ang three-time defending women’s champion Perpetual Help Lady Altas sa 22-25, 25-18, 25-20, 25-19, panalo laban sa Jose Rizal University Lady Bombers sa pagsisimula ng 90th NCAA women’s volleyball kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Si Clemente ay gumawa ng 16  kills at 4 blocks tungo sa 20 puntos habang si Imbo ay mayroon pang 10 attack points tungo sa 12 hits.

Nakatulong din ang 13 at 12 puntos galing kina Ana James Diocareza at Jamela Suyat at ang dalawang ito ay nagsanib sa limang aces.

Ang liberong si Vhima Condada ay may 23 digs at si Shyrra Cabriana ay may 62 excellent sets para makapagdomina ang Lady Altas sa huling tatlong sets.

Si Maria Shola Alvarez ang bumalikat sa laban ng JRU sa kanyang 13 hits.

Nagparamdam din ang Arellano nang tapatan ang 1-0 karta ng Perpetual sa pamamagitan ng 25-21, 25-20, 25-22, tagumpay sa Mapua.

Ang nakababatang ka­­patid ni Troy Rosario na si Cristine Joy Rosario ay may 19 hits, tampok ang 16 kills, at si  Danna Henson ay bumanat ng 16  hits sa straight sets panalo sa larong tumagal lamang ng 65 segundo.

Wala rin naging problema ang St. Benilde Lady Blazers na idispatsa ang Letran Lady Knights, 25-9, 25-19, 25-13, sa ikatlong laro.

Ginamit ng Lady Bla­zers ang bangis sa pag-atake, 42-15, at serve, 13-1, para ipakita ang ka­handaan na makigulo sa tagisan para sa kampeo­nato sa taong ito. (ATan)

ANA JAMES DIOCAREZA

ARELLANO

CINDY IMBO

CRISTINE JOY ROSARIO

DANNA HENSON

JAMELA SUYAT

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY LADY BOMBERS

LADY ALTAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with