^

PSN Palaro

PSC susuportahan ang mga bagong siklista

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Susuportahan ng PSC ang mga bagong siklista na bubuo sa Pambansang koponan sa larangan ng cycling.

Sa isinagawang PSC board meeting kahapon ay tinanggap na ng ahensyang pinangungunahan ni chairman Ricardo Garcia ang listahan na ipinadala ni PhilCycling president Abraham “Bambol” Tolentino na siyang balak  ipadala sa 2015 SEA Games sa Singapore.

Matatandaan na binuwag ni Tolentino ang dating ta­laan ng manlalaro at nagsagawa ng tryouts para ma­kapili ng karapat-dapat para makakuha ng karangalan sa Singapore games.

Karamihan din sa ipinasok ay mga siklistang edad 23-anyos pababa.

Umabot sa 26 ang susuportahan ng PSC bukod pa sa mga priority athletes na sina Daniel at Chris Caluag.

Si Daniel ay hindi lamang isang SEA Games gold me­dalist kundi gold medal winner din sa Incheon Asian Games habang si Chris ay isang bronze medalist sa 2013 Myanmar Games.

Ibinalik din ng PSC ang serbisyo ng Olympic coach ng mga Caluag na si Greg Romero para tumulong sa paghahanda ng koponan hindi lamang sa SEA Games kundi pati sa pagsali sa qualifying races para sa 2016 Rio de Janiero Olympics.

Kasama sa line-up ang mga subok ng sina Alfie Catalan at John Paul Morales sa track, George Oconer, Jerry Aquino Jr. at John Mark Camingao sa road race at sina Eleazar Barba Jr. at John Renee Mier ng mountain bike. (ATan)

ALFIE CATALAN

CHRIS CALUAG

ELEAZAR BARBA JR.

GEORGE OCONER

GREG ROMERO

INCHEON ASIAN GAMES

JANIERO OLYMPICS

JERRY AQUINO JR.

JOHN MARK CAMINGAO

JOHN PAUL MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with