Sta. Lucia Land dinurog ang Kawasaki-Marikina
Laro sa Martes
(Marikina Sport Center)
7pm MBL Selection
vs Sealions
8:30pm Cars Unlimited
vs Team Mercenary
MANILA, Philippines - Magarang panimula ang ginawa ng Sta. Lucia Land sa DELeague Invitational Basketball Tournament nang kanilang ilampaso ang Kawasaki-Marikina, 81-52, noong Huwebes ng gabi sa Marikina Sports Center, Marikina City.
Gumawa ng 18 puntos at pitong rebound si Richard Smith at nagdagdag naman ng 12 puntos at limang rebound ni Jun Gabriel para sa Sta. Lucia na binigo ng two-time defending champion Hobe Bihon sa una nitong laro noong Linggo.
Umiskor naman ng 14 puntos si Ronald Roy habang si Sydney Onyunbere ay may walong puntos at pitong rebound para sa Kawasaki na nalaglag sa 0-2 karta.
Dinurog din ng Uratex Foam and Philippine National Police, 90-71, sa isa pang laro sa ligang itinataguyod ni Marikina Mayor Del De Guzman at sinusuportahan din ng PCA Marivalley, St. Anthony Hospital, PS Bank Blue Wave Marquinton Branch, Luyong Restaurant Concepcion, Mckie’s Equipment Sales and Rental, Tutor 911, at Toyota Motors Marikina.
Si Von Pambeling ay may 21 puntos at siyam na rebounds at si Felix Africu ay gumawa ng apat na puntos at 17 rebounds para pangunahan ang Uratex sa una nitong panalo.
Para sa resulta ng mga laro maaaring bisitahin ang www.sports29.com o ang facebook page ng DELeague.
- Latest