^

PSN Palaro

Sparring ni Pacquiao isinara ni Roach sa publiko

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdesisyon si chief trainer Freddie Roach na isara ang pinto para sa sparring session ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao sa Pacman Wild Card Gym sa General Santos City.

Sinabi ni Roach na mas mabuting walang istorbo sa pagsasanay ng 35-anyos na si Pacquiao na pinaghahandaan ang kanyang title defense kontra kay American challenger Chris Algieri.

Nakasabayan ni Pacquiao sa kanyang sparring session si Mike Jones matapos si Stan Martyniouk noong Sabado.

Lubhang namangha si Jones sa ikinilos ni Pacquiao na kanilang kapwa hinangaan dahil sa bilis at lakas nito.

Sinabi ni Jones na hindi kakayanin ng 5-foot-10 na si Algieri ang liksi at lakas ng 5’6 na si Pacquiao, idedepensa ang suot na World Boxing Organization welterweight crown sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.

Nakatakdang sabayan ni Pacquiao si Martyniouk, nauna nang naka-sparring si world featherweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. sa United States bago dumi­retso sa Pilipinas, ngayon para sa kanilang six rounds na sparring.

Pansamantalang ititigil ni Roach ang kanilang sesyon sa Sabado para sa pagdalo ni Pacquiao sa pagbubukas ng 40th season ng PBA sa Lingggo sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan kung saan tatayong playing coach si ‘Pacman’ para sa Kia Sorento.

Pinayagan ni Roach ang 35-anyos na si Pacquiao na maglaro ng ilang minuto para sa kanyang PBA debut.

CHRIS ALGIERI

FILIPINO FLASH

FREDDIE ROACH

GENERAL SANTOS CITY

KIA SORENTO

MIKE JONES

PACMAN WILD CARD GYM

PACQUIAO

PHILIPPINE ARENA

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with