^

PSN Palaro

Pelicans tinalo ang Heat sa pre-season opener

Pilipino Star Ngayon

LOUISVILLE, Ky. – Umiskor si Jimmer Fredette ng 17 points at nagdagdag ng 15 si Luke Babbitt para pa­ngunahan ang New Orleans Pelicans sa 98-86 panalo la­ban sa Miami Heat sa pre-season opener para sa da­lawang koponan.

Nagtala naman si Chris Bosh ng malamyang 3-for-13 fieldgoal shooting para sa Miami, habang may 2-of-7 clip naman si Dwyane Wade.

Gumamit ang Pelicans ng isang 20-5 atake sa pagta­tapos ng second quarter para baligtarin ang six-point lead ng Heat sa kanilang 44-35 bentahe sa halftime.

Nagsalpak ang New Orleans ng limang 3-pointers sa nasabing ratsada.

Tinapos ng New Orleans ang laro na may 14-of-32 shooting sa 3-point range kung saan nagtumpok ng pi­nagsamang 8-of-14 sina Fredette at Babbitt.

Habang itinuturing na isang home game para sa nag­dedepensang Eastern Conference champions, ang karamihan naman sa sellout crowd na 20,074 ay su­musuporta sa apat na Pelicans na tubong Indiana.

Si Eric Gordon ay naglaro ng college ball sa Indiana Uni­versity, habang sina Darius Miller at Anthony Davis ay ku­mampanya para sa University of Kentucky at si Russ Smith ay nagbida sa University of Louisville.

Umiskor naman si James Ennis ng 17 points sa pa­nig ng Heat, ang dating NBA champion.

ANTHONY DAVIS

CHRIS BOSH

DARIUS MILLER

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

INDIANA UNI

JAMES ENNIS

NEW ORLEANS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with