^

PSN Palaro

Gilas nalasap ang ikalawang sunod na kamalasan: Walang nadagdag sa pang-pitong araw

Beth Repizo-Meraña - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, Korea — Binigyang buhay ng mga Pinoy boxers ang nananamlay na kampanya ng Pilipinas matapos pumasok sa quarterfinal round para tabunan ang ka­biguan ng Gilas Pilipinas sa men’s basketball competition ng 17th Asian Games dito.

Kung mananalo sa kanilang mga laban sa quarterfinals ay makakatiyak ng bronze medal sina Southeast Asian Games gold medalist Mario Fernandez at Charly Suarez pa­ra sa bansa.

Kasalukuyang may dalawang silver at isang bronze medal ang Pilipinas, habang patuloy ang pagdomina ng China mula sa hinakot na 91 gold, 49 silver at 39 bronze medals kasunod ang Japan (30-42-35) at host Korea (31-37-36).

Natalo naman ang Gilas Pilipinas sa Qatar, 68-77, sa kanilang unang laro sa quarterfinal round.

Walang naisagot ang Nationals sa 15 sunod na puntos na ginawa ng mga Qataris sa third quarter na naging dahilan ng kanilang kabiguan.

Kailangang talunin ng Nationals ang South Korea ngayong alas-2 ng hapon at ang Kazakhstan bukas ng alas-3:15 para makatiyak ng puwesto sa semifinals.

Umusad ang tambalan nina Ruben Gonzales Jr. at Treat Huey sa quarterfinals ng men’s doubles tennis event makaraang sibakin ang pares nina Chi Neng Chan at Ho Tin Marco Leung ng Macau, 6-0, 6-3, sa quarterfinals.

Makakasagupa nina Huey at Gonzales ang mananalo sa pagitan ng Korea at Indonesia ngayon.

Tuluyan namang namaalam ang mga Pinoy tankers matapos matalo sina Josh Hall at Jasmine Alkhaldi sa swimming competition.

Kinapos si Hall ng 0.01 segundo na naglagay sa kanya sa ika-9th place sa men’s 50-meter breastroke, habang lu­­magapak naman si Alkhaldi sa 10th place sa overall sa 50m wo­men’s freestyle event.

Sa bowling, tumapos lamang ang women’s doubles squad nina Anne Marie Kiac at Liza Clutario sa pang-11 po­sisyon sa Squad A, samantalang nasa ika-12 naman si­na Liza del Rosario at Marian Lara Posadas sa Squad B.

Minalas din sa medalya sa mixed triathlon team ang ban­sa nang pumang-anim sa ilalim ng Japan, Korea, Chi­na, Hong Kong at Kazakhstan.

Sa golf, nahulog sa puwesto sina Princess Superal at Mia Legaspi sa overall individual ladder kasabay ng pag-angkin ng Thailand sa pangunguna sa women’s division.

Matapos magposte ng 69 at makisalo sa fourth overall sa first round, humataw si Superal ng 73 at nahulog sa pang-walo sa kanyang 142.

Umiskor naman si Legaspi ng even-par 72 sa kanyang opening-round na 72 para sa 142.

Ang men’s team nina Justin Quiban, Rupert Zaragosa, Ray­mart Tolentino at Kristoffer Arevalo ay nalaglag sa pang-siyam na posisyon matapos idagdag ang isang second-round na 221 sa una nilang 218 noong Huwebes para sa kanilang 36-hole total na 439.

ANNE MARIE KIAC

ASIAN GAMES

CHARLY SUAREZ

CHI NENG CHAN

GILAS PILIPINAS

HO TIN MARCO LEUNG

HONG KONG

JASMINE ALKHALDI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with