MANILA, Philippines - Isusuko ng Emilio Aguinaldo College at ng Mapua ang kanilang susunod na laro matapos ang suspensyon sa mga players nila sa nangyaring rambulan sa 90th NCAA men’s basketball tournament noong Lunes sa The Arena sa San Juan City.
“They are facing possible forfeiture if they cannot come up with five players to start the game,” sabi ni Paul Supan, ang NCAA Management Committee chairman.
Apat na players lamang ang natira sa Generals sa kanilang nakatakdang pagharap sa Perpetual Altas ngayong alas-9 umaga.
Ang mga ito ay sina Jerald Serrano, Christ Mejos, Ai Indin at Jozhua General.
Ang mga nasuspinde ay sina John Tayongtong (5), Jan Jamon (3), Ariel Aguilar (3), Jack Arquero (3), Sydney Onwubere (3), John Santos (2), Manelle Quilanita (2), Edsel Saludo (2) at Faustine Pascual (1).
Babagsak ang Generals sa 4-13 at tataas naman ang Altas sa 10-6.
Hindi rin maglalaro ang Mapua sa Lunes kontra sa Letran dahil sa suspensyon kina Leo Gabo (4), Jomari Tubiano (3), Justin Serrano (2), James Galoso (2), Exeqiel Biteng (2), Andrew Estrella (2), Jerome Canaynay (1), Ronnel Villasenor (1) at Darrel Magsigay (1).