Gilas Pilipinas pinataob ang India

MANILA, Philippines - Hindi nagpatinag ang Gilas Pilipinas kontra India, 85-76, para sa kanilang unang salang sa 2014 Asian Games sa Hwaseong gymnasium sa Hwaseong City ng South Korea.

Pinangunahan ni Jeff Chan ang Gilas sa kanyang mainit na shooting sa three points matapos magsuksok ng apat na tres bukod pa sa kanyang jumper para tumapos na may 14 markers.

Nagdagdag din ang naturalized center na si Marcus Douthit ng 14 markers upang makuha ng Pilipinas ang 1-0 na kartada.

Susunod na makakalaban ng Pilipinas ang powerhouse team na Iran sa kamakalawa.

Huling nagkita ang dalawang koponan nitong nakaraang taon sa FIBA Asia Cup kung saan nauwi ng Iran ang kampeonato.

 

Show comments