^

PSN Palaro

Go Gilas!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Huwag lang sila harangin ng bagyong si ‘Mario’ ay nakatakdang umalis ng bansa kahapon ang Gilas Pilipinas patungo sa Incheon, South Korea.

Doon ginaganap ang 17th Asian Games kung saan aasintahin ng Gilas Pilipinas ang medalyang ginto.

Marami sa atin ay hindi pa ipinapanganak nang hu­ling mapanalunan ng Pilipinas ang ginto sa basketball ng Asian Games noong 1962.

Namuntikan natin ito makuha nu’ng 1990 pero silver medal lang ang ating nakamit gamit ang basketball team na pinangunahan ni coach Sonny Jaworski.

Ang huling medalya natin, ang bronze medal, ay nakamit noong 1998.

Pero mataas ang expectations ngayon para sa Gi­las Pilipinas.

Para sa ating basketball officials, ito na siguro ang pinakamalakas na team na nabuo ng bansa natin.

Hindi man pinayagang makalaro si Andray Blatche ay nabigyan naman ng go-signal si Marcus Douthit.

Oo, magaling si Blatche, at kung napayagan lang siya ay talagang marami siyang pahihirapan sa In­cheon Asiad.

Kahit ang mga higante ng Iran, China at Korea ay makakatikim sa NBA veteran na ito.

Malungkot nga lang at hindi siya pumasa sa mga qua­lifications ng Asian Games.

Kaya mabuti na lang at on standby si Douthit bi­lang kapalit niya.

May tiwala naman ako kay Douthit dahil siya rin naman ang nagdala sa Gilas sa FIBA World Cup sa Spain.

Si Douthit ang naglaro sa Gilas nang magtapos itong runner-up sa Iran sa FIBA Asia noong 2013.

Ang takot ko lang kay Douthit ay ang tendency niya ma-injure.

May iniinda na rin na injury si Douthit at huwag naman sana ito sumpu­ngin sa Incheon.

Kung magiging heal­thy siya sa kabuuan ng tour­nament ay maganda ang ating pag-asa.

Pumasok lang muna sa semis ang Gilas.

At  maaaring magtagpu-tagpo sila dun ng Iran, China at Korea.

Pagda­ting naman sa semis, bahala na si ‘Batman’.

 

ANDRAY BLATCHE

ASIAN GAMES

DOUTHIT

GILAS PILIPINAS

INCHEON

LANG

MARCUS DOUTHIT

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with