Practice games ng PBA teams hindi itinuloy dahil kay ‘Mario’

MANILA, Philippines - Dahil sa pagragasa ng bagyong ‘Mario’ ay napuwer- sa ang ilang PBA teams na kanselahin ang kanilang mga naitakdang ensayo kahapon ng umaga.

Ang ilan dito ay ang Barangay Ginebra, Talk ‘N Text, San Mig Coffee at Rain or Shine.

Ang mataas na baha sa Ortigas Avenue extension ang nagtulak sa Gin Kings na ipagpaliban ang kanilang team practice sa CCF gym.

Hindi na itinuloy ng Tropang Texters ang kanilang en­sayo sa Moro Lorenzo Gym sa Katipunan kagaya ng Mixers sa Ronac Gym at Elasto Painters sa Nega Gym, Greenhills.

Ang iba pang nagkansela ng kanilang team practice ay ang Blackwater (SGS Gym), Barako Bull Energy (Hoops Center), NLEX Warriors (Meralco Gym), San Miguel Beer (Acropolis Gym) at Kia Sorentos (Unilab Gym).

Show comments