^

PSN Palaro

Sa Basketball event ng 2014 Asian Games nagkaubusan na NG tiket para sa semis at finals

Gerry Carpio - Pilipino Star Ngayon

INCHEON, South Korea – Dalawang araw bago ang opening ceremonies ng 17th Asian Games ay ubos na  ang tiket para sa semifinal at final matches ng basketball games.

Kaya naman nagulat ang mga Filipino officials sa pahayag ng organiziners.

“We have been informed the tickets for the semifinals and finals are already sold out, and it really worries us because we don’t even have any tickets to give officials of the Samahang Basketbol ng Pilipinas,” sabi ni Philippine secretariat officer Eleanor Navarro.

Ang mga complimentary tickets ay inilaan ng mga Koreans para sa kanilang mga kababayan, habang ilan lamang ang ibebenta sa mga foreign teams.

Mangangahulugan na ang mga Filipino na naka-base sa Korea ay hindi mapapanood at masusuportahan ang Gilas players sa kanilang semifinal at final games.

May tsansa pa silang makakakuha ng tiket para sa laro ng Nationals sa Set­yembre 23 kung saan lalabanan ang Nationals ang Group B preliminary round winner (posibleng Kazakhstan), sa Setyembre 25 kontra sa Iran at sa tatlong laro sa quarterfinals.

Sisimulan ng Gilas Pilipinas ang kanilang kampanya sa Setyembre 23 matapos ang pagkumpleto sa qualifying round ng walong lower teams ng 16-team field sa men’s basketball competitions.

Ang walong lower-ranked teams, sasailalim sa preliminary phase para madetermina ang top four qualifiers para sa second round, ay ang Mongolia, Hong Kong, Kuwait at Maldives sa Group  A at ang Saudi Arabia, Kazakhstan, Palestine at India sa Group B.

Nakakuha naman ng bye sa second round ang China at Chinese-Taipei sa Group C, ang Korea at Japan sa Group D, ang Iran at Pilipinas sa Group E at ang Japan at Qatar sa Group F.

Bibiyahe ang Gilas Pilipinas kasama ang mga SBP officials bukas para sa opening game sa second round ng preliminaries na nakatakda sa Setyembre 23-26.

Asam ng Korea na makuha ang overall lead mula sa datihang kampeong China sa quadrennial event.

Habang puntirya nilang manalo ng maraming gintong medalya sa 36 events, puwersado naman silang manalo sa football, basketball at baseball.

Inaasahang mag­do­do­mina ang mga Korean athletes sa taekwondo kung saan sila world champion bukod pa sa bowling, bo­xing, cycling at golf.

 

ASIAN GAMES

ELEANOR NAVARRO

GILAS PILIPINAS

GROUP

GROUP B

GROUP C

GROUP D

SETYEMBRE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with