Palaban ang mga Pinoy athletes sa Asiad

INCHEON, Korea -- Ma­laki ang tiwala ni Chief of Mission at Philippine Sports Commission chairman Ricardo Garcia sa kakayanan ng mga Pambansang atleta na makapaghatid ng kara­ngalan sa Asian Games na magbubukas ngayon sa modernong 61,074-sitting capacity na Main Stadium.

“Our faith in this team, com­posed mostly of young Fi­lipino sports achievers and a smattering of veterans for leadership is firm. This is a team that has potential based on their credentials,” wi­ka ni Garcia.

Pakay ng maliit pero pa­labang delegasyon ang ma­­higitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na tansong medalya na na­panalunan noong 2010 Asian Games sa Guangzhou, China.

“No team will slacken un­til we have achieved our goals in these Games,” matibay na pahayag ng CDM.

Dalawang world champions sa katauhan nina wind­surfer Geylord Coveta at lady boxer Josie Gabuco at isang gold medalist ng 2010, ang bowler na si Engelberto “Biboy” Rivera ang mangunguna sa bansa.

Si Coveta, nanalo ng RS: One World Championship sa windsurfing noong 2012 sa Boracay, ang siyang pinili ni Garcia para maging flag bearer ng Pilipinas sa ope­ning ceremony matapos ang pag-atras ni Gilas Pilipinas forward-center Japeth Aguilar.

Ang 6-foot-8 na si Aguilar na unang pumayag sa po­sisyon ay kinailangang umatras dahil ang men’s basketball team ay bukas pa darating.

Handa si Coveta na ma­­kipagsabayan sa mga ka­ribal sa kompetisyon na magsisimula sa Setyembre 24.

 

Show comments