Mapua nakabawi sa Perpetual
STANDINGS W L
San Beda 11 2
Arellano U 9 4
Jose Rizal 9 4
St. Benilde 9 5
Perpetual Help 8 6
Letran 6 7
Lyceum 5 8
xMapua 4 10
xEAC 3 10
xSan Sebastian 3 11
x Talsik
Laro Bukas
(The Arena,
San Juan City)
12 nn Lyceum vs EAC (Jrs/Srs)
4 p.m. Arellano vs Jose Rizal U (Srs/Jrs)
MANILA, Philippines - Diniskaril ng Mapua Cardinals ang balak na bumalik sa unang apat na puwesto ng Perpetual Help Altas sa 91-81 paninilat sa 90th NCAA men’s basketball kagabi sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang ikatlong sunod na panalo ng Cardinals para umakyat sa ikawalong puwesto sa 4-10 karta kasabay ng pagpapatikim sa Altas ng ikaanim na pagkatalo sa 14 laro upang manatili sa ikalimang puwesto.
Binuksan ng Altas ang aksyon sa huling yugto bitbit ang 8-0 bomba.
Si Harold Arboleda ay bumanat ng tres, si Juneric Baloria ay may jumper at si Gabriel Dagangon ay may three-point play para lumamang ang koponan ng tatlo, 68-65.
Hindi pumayag na masayang ang magandang naipakita sa naunang yugto ng labanan at sina Joseph Eriobu Jr. at CJ Isit ang nagtulong sa ibinabang 9-0 bomba para bawiin ng Cardinals ang kalamangan sa 76-71.
Si Leo Gabo ang nanguna uli para sa Cardinals sa kanyang 23 puntos habang may double-double na 21 puntos at 10 assists si Isit.
May 13 puntos pa si Eriobu habang si Jeson Cantos ay may 12.
“The players are playing inspired basketball dahil nakikita nila na kaya nilang makipag-compete,” wika ni Cardinals coach Fortunato “Atoy” Co.
Si Earl Scottie Thompson ay may 20 puntos habang sina Baloria, Justine Alano at Arboleda ay naghatid pa ng 19, 14 at 11 puntos pero kinapos pa rin dahill kinulang sila sa depensa sa huling yugto para malagay sa alanganin ang paghahabol ng upuan sa semifinals.
Nakalayo na ng isa’t-kalahating laro ang St. Benilde sa pagkatalong ito ng Perpetual. (AT)
Mapua 91--Gabo 23, Isit 21, Eriobu 13, Cantos 12, Biteng 9, Estrella 7, Saitanan 6, Tubiano 0, Villasenor 0
Perpetual Help 81--Thompson 20, Baloria 19, Alano 14, Arboleda 11, Dagangon 8, Jolangcob 5, Ylagan 2, Pido 2, Oliveria 0, Bantayan 0, Gallardo 0
Quarterscores: 28-26; 47-40; 65-60; 91-81.
- Latest