4-0 sa Spain, US, Greece at Slovenia

GRANADA, Spain--Kinolekta ng host Spain, US, Greece at Slovenia ang kanilang ikaapat na sunod na panalo sa  Basketball World Cup noong Miyerkules sa iba-ibang Siyudad sa Spain.

May 17 puntos si Marc Gasol para pangunahan ang Spain sa 88-64 panalo sa France sa Group A match sa Granada.

Dinurog ng US na kina­katawan ng mga NBA players, ang Dominican Republic, 106-71, na gina­wa sa Bilbao.

Sinandalan naman ng Greece ang 23 assists para pabagsakin ang Croatia, 76-65, na nilaro sa Seville sa Group B.

May 14 puntos si Phoenix Suns cager Goran Dra­gic para bitbitin ang Slovenia sa 93-87 panalo sa Angola sa Group D na nilaro sa Gran Canaria.

 Nanatiling buhay pa ang laban ng Iran sa Group A nang kalusin ang Egypt, 88-73.

 

Show comments