Altas balik sa pakikisalo sa No. 3
Laro Bukas
(The Arena, San Juan City)
12 nn San Sebastian vs San Beda (Jrs/Srs)
4 p.m. Mapua vs Arellano (Srs/Jrs)
MANILA, Philippines - Inagaw ng pamalit na si Gab Dagangon ang atraksyon sa mga kamador ng Perpetual Help Altas nang gumawa siya ng career high 14 puntos sa 65-60 panalo sa Lyceum Pirates sa 90th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Kalahati sa kabuuang puntos ni Dagangon ay nangyari sa huling yugto para hindi na pabangunin pa ang Pirates at makasalo uli sa pahingang Jose Rizal University Heavy Bombers at St. Benilde Blazers sa ikatlo hanggang ikalimang puwesto sa 6-4 karta.
“Sinamantala ko lang ang ibinigay na playing time sa akin,” wika ng 21-anyos na rookie mula Cotabato City na may pinagsamang 16 puntos sa mga naunang salang sa laro.
Ang mga beterano na sina Juneric Baloria, Harold Arboleda at Earl Scottie Thompson ay naghatid ng 12, 10 at 10 puntos.
Si Thompson na nangunguna sa MVP race, ay may 15 rebounds, apat na assists at isang steals na magandang pang-akit lalo pa’t siya at sina Baloria at Arboleda ay kasama sa mga baguhang manlalaro sa gagawing PBA Rookie Draft ngayong hapon.
May 14 puntos pa si Justine Alano para sa magandang pag-atake ng Altas na winalis ang dalawang laro nila ng Pirates sa season.
Sina Dexter Zamora, Joseph Gabayni at Wilson Baltazar ay mayroong 18, 14 at 10 puntos para sa Pirates na natalo sa ikalimang pagkakataon sa 10 laro para malagay sa pang-anim na puwesto. (AT/MM)
Perpetual 65--Dagangon 14, Alano 14, Baloria 12, Thompson 10, Arboleda 10, Sadiwa 5, Olivera 0, Dizon 0, Ylagan 0, Tamayo 0.
LPU 60--Zamora 18, Gabayni 14, Baltazar 10, Taladua 9, Lesmoras 5, Mbidda 2, Bulawan 2, Soliman 0.
Quarterscores: 14-10, 26-26, 50-40, 65-60.
- Latest