San Beda dumalawa sa Mapua; Arellano bumangon

Nakawala si Baser Amer ng San Beda sa depensa ni Carlos  Isit ng Mapua sa aksyong ito sa NCAA men’s basketball kahapon. (Joey Mendoza)

STANDINGS W    L

San Beda                    8     2

Arellano U                   8     2

Jose Rizal                   6     3

St. Benilde                  5     4

Perpetual Help           5     4

Lyceum                        5     4

EAC                  3     6

Letran                           3     6

San Sebastian           3     7

Mapua                          1     9

Laro Bukas

(The Arena, San Juan)

12 nn. Jose Rizal

vs Letran (Jrs/Srs)

4 p.m.- St. Benilde

vs EAC (Srs/Jrs)

 

MANILA, Philippines - Naibalik ni Ola Adeogun ang dating dominanteng laro habang nag-click din si Ryusei Koga para tulu­ngan ang San Beda sa 74-69 panalo sa Mapua sa pagsisimula ng 90th NCAA men’s basketball second round kahapon sa The Are­na sa San Juan City.

Si Adeogun na hindi pinaglaro ng pamunuan ng San Beda laban sa Letran nang lumiban sa huling tatlong ensayo, ay nagtala ng 19 puntos at 10 rebounds bukod pa sa tatlong assists, dalawang blocks at isang steal.

Ma 17 pa si Koga at 12 dito ay ginawa sa second half na kung saan nagsimulang lumayo ang four-time defending champion na Cardinals.

“We need Ola’s inside presence. But I also have to give credit to Koga who played well today,” wika ni Lions coach Boyet Fernandez na nanatili sa unang puwesto sa 8-2 baraha.

May 11 puntos si Adeo­gun sa ikalawang yugto para ilayo ang Lions sa 39-34 at sa sumunod na quarter ay nakisanib puwersa kay Koga para palawigin ang bentahe sa 16, 62-46.

Sina Keith Agovida, Jio­vani Jalalon, Allen Enri­quez at John Pinto ang mga nagkapit-bisig sa hu­ling yugto para makumpleto ng Arellano Chiefs ang pagbangon  mula sa 12 puntos pagkakalubog sa halftime tungo sa 101-98 tagumpay sa minamalas na San Sebastian Stags sa ikalawang laro.

Ang nakumpletong 3-point play kasunod ng 3-pointer at dalawang free throws ni Agovida ang nagbigay ng kalamangan sa ikalawang pagkakataon lamang sa 96-94.

Naitabla ni CJ Perez ang iskor sa 96-all pero na­hiritan ni Enriquez si Bradwyn Guinto para ilayo sa tatlo ang Chiefs, 99-96.

Umiskor sa ilalim si Bobby Balucanag pero kinaila­ngan ni Perez na lapatan ng foul si Pinto para matigil ang oras.

Pasok ang dalawang free throws bago sumablay ang opensa ng Baste para makasalo pa rin ang Chiefs sa Lions sa unang puwesto.

 

San Beda 74- Adeogun 19, Koga 17, A. Semerad 8, Amer 6, Mendoza 6, dela Cruz 6, Cabanag 3, D. Se­merad 3, Mocon 2, Sara 2, Pascual 2, Abude 0.

Mapua 69- Eriobu 22, Isit 12, Cantos 12, Canaynay 7, Gabo 4, Layug 4, Estrella 4, Biteng 2, Saitanan 2.

Quarterscores: 17-18; 39-34; 62-46; 74-69.

Arellano U 101- Jalalon 19, Agovida 16, Holts 15, Pinto 14, Enriquez 11, Hernandez 8, Nichols 6,  Ciriacruz 4, Gumaru 2, Salcedo 2, Palma 2 Cadavis 2, Caperal 0.

San Sebastian 98- Perez 23, Ortuoste 20, Guinto 18, Dela Cruz 15, Yong 12, Costelo 4, Balucanag 2, Calisaan 2, Pretta 2, Mercado 0

Quarterscores: 22-25; 44-56; 72-78; 101-98

Show comments