Nanguna sa skill test Banchero nagpasiklab
MANILA, Philippines - Kaagad gumawa ng ingay si Chris Banchero matapos manguna sa unang araw ng Gatorade PBA Draft Combine kahapon sa Gatorade Hoops Center sa Mandaluyong City.
Bumandera si Banchero sa lahat ng limang kategorya ng skills test sa nasabing aktibidad.
Nagsumite ang 6-foot-1 Fil-American guard ng tiyempong 8.33 segundo sa lane agility drill, 16.87 segundo sa shuttle run test, 2.91 segundo sa 3/4 court sprint, tumalon ng 33.73 pulgada sa standing vertical leap at 68.32 pulgada sa maximum vertical leap.
Ihahayag ng PBA Commissioner’s Office ang official list matapos ang da-lawang araw na aktibidad para sa 2014 Rookie Draft na idaraos sa Agosto 24 sa Robinson’s Place sa Ermita, Manila.
Ang unang bahagi ng naturang aktibidad ay nagtampok sa unang 47 draft applicants na ang mga apelyido ay nagsisimula sa letrang A hanggang G.
Papagitna ngayong araw sa skills test si Fil-Am guard Stanley Pringle, ang sinasabing hihirangin ng Globalport bilang No. 1 overall pick, sa pagtatapos ng Draft Combine.
Hindi naman natapos ni San Beda forward Rome dela Rosa ang skills test nang magkaroon ng pulled hamstring habang ginagawa ang mga drills.
- Latest