Pacman kayang pabagsakin si Algieri--Roach
MANILA, Philippines - Maraming nagsasabing magiging epektibo ang matutulis na jab ng 5-foot-10 na si Chris Algieri laban sa 5’6 na si Manny Pacquiao.
Ngunit ayon kay chief trainer Freddie Roach, hindi ito magiging problema para sa Filipino world eight-division champion na ilang beses nang nanalo sa mas matatangkad niyang kalaban.
“No it should be no problem for Pacquiao. It’s like night and day. He’s way above him,” wika ni Roach sa panayam ng The Boxing Voice.
Itataya ni Pacquiao (56-5-2, 38 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization (WBO) welterweight crown kontra kay Algieri (20-0-0, 8 KOs) sa Nobyembre 22 sa The Venetian sa Macau, China.
Ayon kay Roach, kung hindi mag-iingat si Algieri ay mapapabagsak siya ni Pacquiao, huling nakapagpatigil ng kalaban noong Nobyembre 14, 2009 matapos pahintuin si Miguel Cotto sa 12th round.
“We’ll knock him out somewhere along the way,” paniniyak ni Roach.
Ito ang magiging pangalawang laban ni Pacman ngayong taon matapos resbakan si Timothy Bradley, Jr. sa kanilang rematch noong Abril. (RC)
- Latest