17th FIBA ipalalabas sa ABS-CBN Sports at ABS-CBN Sports +Action

MANILA, Philippines - Dadalhin ng ABS-CBN Sports at ng ABS-CBN Sports + Action ang mga laro ng 17th FIBA tournament sa tahanan ng mga Filipino sports fan simula sa Agosto 30 hanggang Setyembre 15.

Idaraos ng FIBA, ang International Basketball Federation, ang mga laro sa iba’t ibang lugar sa Spain. Ito ay sa Madrid, Seville, Bilbao, Barcelona, Granada at Las Palmas de Gran Canaria.

Kabuuang 24 bansa ang sasabak sa torneo na hahatiin sa apat na grupo -- ang Group A, B, C at D.

Sasabak din sa torneo ang Gilas Pilipinas ni coach Chot Reyes.

Kasama ang Gilas Pilipinas sa Group B bukod sa Senegal, Puerto Rico, Argentina, Greece at Croatia.

Ang USA ang No.1 team sa FIBA World Ran­kings matapos talunin ang host country Turkey noong 2010 finals.

Apat na beses nagkampeon ang Team USA sa torneong kanilang nilaruan sa 17 edisyon. Huling naghari ang Spain sa FIBA World Cham­pionship noong 2006.

Isasaere ng ABS-CBN Sports + Action ang lahat ng laro sa Group B na tatampukan ng Gilas Pilipinas, habang ang ABS-CBN Sports ang magpapa­labas sa mga laro ng Team USA sa Channel 2.

Show comments