MANILA, Philippines – Sa ikatlong sunod na pagkakataon, iginawad sa wala pang talong boksingerong si Floyd Mayweather Jr. ang Best Fighter award ng 22nd ESPY Awards ngayong Huwebes.
Pinangunahan ng pound-for-pound boxer na si Mayweather ang iba pang nominado kabilang ang eight-division champion Manny Pacquiao, Andre Ward, at ang mga mixed martial artists na sina John Jones at Ronda Rousey.
Ito na ang ika-anim na pagkakataong kinilalang Best Fighter si Mayweather nang una niya itong matanggap noong 2007 at nasundan pa noong 2008, 2010, 2012, at 2013.
“Mayweather cruised to a majority decision over Saul Alvarez to unify the light middleweight titles. He improved to a record of 46-0 with a decisive win over Marcos Maidana,” pahayag ng ESPN nang ibigay ang pagkilala sa beteranong boksingero.
Muling nakatakdang makabangga ni Mayweather si Marcos Maidana sa Setyembre.
"Thank you so much to ESPN and everyone, every fan that voted. Without you guys, like I said before, I wouldn't be where I'm at," wika ni Mayweather matapos tanggapin ang pagkilala.