Heavy bombers nakabangon
MANILA, Philippines - Kumamada si Philip Paniamogan ng 14 sa kanyang 22 points sa fourth quarter para tulungan ang Jose Rizal University sa 69-60 paggupo sa Letran College sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan.
Nagdagdag sina John Grospe at Bernabe Teodoro ng tig-10 markers para sa panalo ng Heavy Bombers sa Knights.
Ngunit mas naging maaksyon ang pagtatapos ng laro.
Inireklamo ni Knights coach Caloy Garcia ang non-call ni referee Ian Borbe kay Letran guard Mark Cruz sa dulo ng final canto.
Dahil dito ay napatalsik sa laro si Garcia bunga ng kanyang ikalawang technical foul, habang kinompronta naman ni Cruz si Borbe kasunod ang pambabato ng isang Letran fan sa referee.
Gumanti naman si Borbe sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanyang gitnang daliri.
Nalasap ng Knights ang kanilang ikatlong kabiguan sa apat na laro, habang pinaganda ng Heavy Bombers ang kanilang kartada sa 2-2.
Sa ikalawang laro, pinayuko ng Lyceum ang Mapua, 80-78, mula sa pagbibida ni Joseph Gabayni na nagposte ng 23 points at 10 rebounds.
Ito ang ikalawang panalo ng Pirates kasabay ng pagpapalasap sa Cardinals ng pang-apat na sunod nitong kamalasan.
Jose Rizal 69 - Paniamogan 22, Grospe 10, Teodoro 10, Asuncion 10, Sanchez 4, Salaveria 4, Mabulac 4, Abdul Wahab 3, Lasquety 0.
Letran 60 - Cruz 19, Racal 17, Ruaya 9, Nambatac 6, Singontiko 5, Quinto 2, Publico 2.
Quarterscores: 14-14; 31-24; 45-48; 69-60.
Lyceum 80 - Gabayni 23, Zamora 16, Lesmoras 15, Mbbida 15, Ko 6, Bulawan 4, Malabanan 1, Baltazar 0.
Mapua 78 - Estrella 19, Saitanan 13, Gabo 10, Layug 9, Isit 8, Cantos 8, Canaynay 6, Tubiano 4, Magsigay 1.
Quarterscores: 20-19; 37-32; 64-52; 80-78.
- Latest