Salud babaguhin ang proseso sa lottery sa PBA, re-draw malabo
MANILA, Philippines - Matapos ang isinagawang lottery draw noong Martes ay kaagad nagpahayag ng kanyang opinyon si Rain or Shine head coach Yeng Guiao.
Ipinagtaka ni Guiao kung bakit tila hindi na binitawan ni PBA Commissioner Chito Salud ang bolang may nakasulat na Globalport matapos pakawalan ang naunang tangan na bola ng Meralco sa isang kahon na hindi nakikita ang loob.
Marami ang nakapanood ng nasabing video at hindi naitago ng mga fans ang kanilang pagtataka sa nasabing proseso kung saan napili ang Globalport na kukuha sa No.1 overall pick ng darating na 2014 PBA Rookie Draft.
Kahapon ay naglabas ng kanyang statement si Salud.
“I have seen the video of the Draft Lottery I recently conducted. I can now also see and understand why people have expressed concerns, some even doubts. This is an entirely avoidable issue and I apologize to our fans, our teams and coaches for the distraction it has caused,” sabi ni Salud.
Humiling ang Rain or Shine ng re-draw ngunit wala sa pahayag ni Salud na mangyayari ito.
Ang Batang Pier ang hihirang sa top overall pick ng 2014 PBA Rookie Draft, habang ang Bolts ang kukuha sa second overall pick.
- Latest