Cagayan Valley, PLDT belles bibinyagan

Pagapang na hinabol ni Carmina Aganon ng Petron Blaze ang bola habang nakatingin ang kakamping si Jenelyn Reyes sa PSL All-Filipino Conference.  (Joey Mendoza)

Laro Ngayon

 (The Arena,

San Juan City)

2 p.m. PNP vs Cagayan

4 p.m. PLDT Home Telpad vs UP

 

MANILA, Philippines - Ipapakita ng nagdedepensang kampeon Cagayan Valley Lady Rising Suns ang bagong lakas sa pagharap sa PNP Lady Patrollers sa Shakey’s V-League Season 11 Open Conference ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-2 ng hapon magsisimula ang nasabing tagisan at ipapa­rada ng koponang nagtala ng 16-0 karta noong nakaraang taon ang mga bagong mukha na sina Pau Soriano, Faye Guevarra, Chie Saet, Gyzelle Sy, Janine Marciano at Gemelyn Seguirre.

Magbabalik ang mga datihan na sina Aiza Mai­zo-Pontillas, Shiela Pineda,Wenneth Eulalio, Rosemari Vargas at Angelie Tabaquero para magkaroon pa ng tibay ang koponan sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s bukod sa ayuda ng Accel at Mikasa.

Ang samahan ng mga datihan at baguhan ang siyang maaaring makaapekto sa ipakikitang laro ngunit tiyak na pinaghandaan na ito ng pamunuan para ipalasap sa Lady Patrollers ang ikatlong sunod na pagkatalo.

Masisilayan din ang lakas ng PLDT Home Telpad sa pagbangga sa wala ring panalo na UP Lady Maroons sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Itinuturing na dark  hor­se ang PLDT dahil kumpleto sa tao ang koponang hawak ni coach Roger Go­rayeb.

Show comments