MANILA, Philippines - May reputasyon si HouÂsÂton Rockets GM Daryl Morey bilang agresibo sa NBA.
At hangad ni Morey na mahugot si LeBron James para palakasin ang RoÂckets sa susunod na season.
Gumawa ng hakbang ang Rockets sa paghahaÂbol kay James nang puÂmayag na i-trade si center Omer Asik bukod pa sa cash considerations sa New Orleans Pelicans para sa isang protected future first-round draft pick.
Ang naturang kasunduan ay hindi pa mapaplantsa hanggang sa pagtatapos ng Hulyo dahil sa patakaran sa collective bargaining agreement at salary cap issues.
Ipinabatid na ni James sa Miami Heat na hindi na niya ilalaro ang huli niyang dalawang taon at mas piniling maging isang free agent simula sa Hulyo 1.
Ginawa rin ito ni Carmelo Anthony sa New York Knicks na nangangahulugan na maaaring kunin ang dalawang dynamic players sa free agency market.
Gusto naman ni Morey, ang kanyang Rockets ay sinibak ng Portland Trail Blazers sa first round ng NBA playoffs, na magdala ng superstar sa Houston para makatuwang nina James Harden at Dwight Howard.
Para gawin ito ay ipinaÂmigay ni Morey si Asik, nauna nang humiling na i-trade siya noong nakaraang season matapos kunin ni Howard ang kanyang starting spot, para mapaluwag ang kanilang salary cap.
Marami ang umaasang maÂnanatili si James sa Miami kung saan plano ni Pat Riley na palakasin ang koponang nanalo ng dalawang sunod na NBA championships at nakapasok sa apat na sunod na NBA Finals.