MANILA, Philippines - May plano ang ALA Promotions na isama ang magkapatid na sina Jason at Albert Pagara sa undercard ng inaayos na laban ni Donnie Nietes sa United States sa Nobyembre.
Ito ay matapos pabagsakin ng mag-utol na PaÂgara ang kanilang mga nakaharap na Mexican fighters noong Sabado ng gabi sa Waterfront Hotel sa Cebu City.
Pinatulog ng 22-anyos na si Jason, ang kasalukuyang WBO International light-welterweight champion, si Mario Meraz via technical knockout sa 2:59 minuto sa fourth round.
Pinabagsak naman ng 20-anyos na si Albert, ang bagong IBF Inter-ContinenÂtal junior-featherweight titlist, si Hugo Partida sa 1:18 minuto ng first round.
Si Jason ay may 34-2-0 record ngayon kasama ang 21 knockouts, habang tangan ni Albert ang 21-0-0 tampok ang 15 knockouts.
Hindi pa lumalaban ang mag-utol na Pagara sa labas ng Pilipinas at sinabi ni Michael Aldeguer ng ALA Boxing Promotions na ito na ang tamang panahon para gawin ito.
“First, we wanted to see what Jason is made of or if he’s really ready for the big fights now. He’s at 140 pound and it’s the toughest division out there,†wika ng presidente ng ALA Promotions.
“But I think Jason made a good account of himself. He could have knocked out Meraz but the referee stopped the fight. That was a brutal fight,†dagdag pa nito.
Sinabi ni Jason na gusto niyang kumampanya sa US at nangangarap na makalaban si Brandon Rios.
Gusto naman ni Albert na makaharap si Guillermo Rigondeaux.