Beermen pinigil ang Express

  Naghahanap ng malulusutan si Mike Cortez ng Me­ralco laban sa mahigpit na depensa ni Alex Ca­bagnot ng Globalport . (Nuki Sabio/PBA Images)

Laro Ngayon

(Smart Araneta Coliseum)

3 p.m. Alaska vs Barako Bull

5:15 p.m. Talk ‘N Text vs Ginebra

 

MANILA, Philippines - Diniskaril ng San Miguel Beer ang tangkang pagsikwat ng Air21 sa isang tiket sa Top Four matapos iposte ang 101-88 panalo at pigilin ang kanilang dalawang sunod na kamalasan sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna.

Nagtayo ang Beermen ng 16-point lead sa second period at hindi na hinayaang makadikit ang Express hanggang sa fourth quarter.

Nagtabla sa 5-4 ang San Miguel Beer at Air21 sa ilalim ng Talk ‘N Text (5-3), nagdedepensang San Mig Coffee (5-3), Rain or Shine (5-3) at Ginebra (5-3) kasunod ang Barako Bull (3-5) at mga sibak nang Meralco (3-6) at Globalport (1-8).

Ang basket ni Doug Kramer ang nagbigay sa Beermen ng 16-point advantage, 48-32, sa 4:30 minuto ng second quarter bago nakalapit ang Express sa 71-75 sa pagsisimula ng fourth period.

Isang 15-4 atake ang ginawa ng Beermen para muling iwanan ang Air21 sa 90-75 sa 7:06 minuto ng laro patungo sa 99-83 paglayo sa huling tikada ng laro.

Sa unang laro, tinapos ng Bolts ang kanilang kampanya sa torneo sapamamagitan ng 123-95 paglampaso sa Batang Pier.

Kumamada si Gary David ng game-high 33 points, tampok dito ang anim na three-point shots, para banderahan ang Meralco kasunod ang 30 ni import Mario West.

Pinamunuan naman ni import Dior Lowhorn ang Globalport sa kanyang 28 points kasunod ang 21 ni Jay Washington at 10 ni Alex Cabagnot. (RC)

Meralco 123--David 33, West 30, Hugnatan 19, Hodge13, Dillinger 12, Cortez 6, Guevarra 6, Caram 2, Ballesteros 2, Wilson 0.

Globalport  95--Lowhorn 28, Washington 21, Cabagnot 10, Buenafe 6, Macapagal 6, Garcia 4, Ponferada 4, Acuna 4, Salvador 2, Romeo 2, Hayes 2, Lingganay 2, Yee 2, Menk 2.

Quarterscores: 34-15; 57-49; 93-77; 123-95.

San Miguel Beer 101  --  Williams 27, Fajardo 20, Mercado 16, Ross 11, Santos 10, Kramer 9, Tubid 6, Chua 2, Lutz 0, Maierhofer 0, Lassiter 0.

Air21  88  --  Sutton 26, Taulava 18, Yeo 12, Ramos 12, Cardona 6, Poligrates 6, J. Villanueva 6, Borboran 2, Atkins 0, Anthony 0, R.Villanueva 0, Camson 0, Menor 0.

Quarterscores: 31-23: 51-45: 75-68: 101-88.

 

Show comments