MANILA, Philippines – Isa sa mga tinatarget ni Top Rank chief Bob Arum si WBC at WBA light welterweight champion Danny Garcia para makaharap ng eight-division champion na si Manny Pacquiao sa Nobyembre.
Sa 28 salang ay wala pang talo ang Puerto Rican boxer na may 16 knockouts sa kanyang kartada kaya naman isa siya pinag-iisapan ni Arum na isalang laban kay Pacquiao.
Pero bago gumulong ang negosasyon kailangan munang payagin si Garcia ng karibal ng Top Rank na Golden Boy Promotions na hawak ng dating boksingerong si Oscar de La Hoya.
“You understand that I'm a promoter, but also a lawyer. So I don't go by rumors or anything. If Garcia is with Golden Boy and he is free to fight Manny Pacquiao, he would be moving to the top of the list,†wika ni Arum sa ulat ni Keith Idec ng boxingscene.com.
Kasama sa mga pinagpipiliang makabangga ni Pacquiao ay ang mahigpit na karibal na si Juan Manuel Marquez, Ruslan Provodnikov at Luis Abregu.
Ilan sa mga pinataob ni Garcia ay sina Erik Morales, Amir Khan, Zab Judah, at Lucas Matthysse.
Pabor namna dito ang trainer ni Pacquuiao na si Freddie Roach.
“It (Pacquiao-Garcia) would be big for everybody,†wika ni Roach kay Michael Woods ng ringtv.com.