^

PSN Palaro

Beermen binawian ang B-Pier

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumangon ang San Miguel Beer mula sa 17-point deficit sa se­cond period para resbakan ang Globalport, 102-99, sa 2014 PBA Governors’ Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humugot si 2013 PBA Most Valuable Player Arwind Santos ng 14 sa kanyang 18 points sa pagbangon ng Beermen sa third quarter para ipalasap sa Batang Pier ang pangatlong sunod nitong kamalasan.

Humakot si Fajardo ng career-high na 27 rebounds bukod pa sa 26 points at 4 shotblocks, habang umiskor si import Reggie Williams ng 23 markers.

Kinuha ng Globalport ang 57-40 bentahe sa se­cond period mula sa basket ni Ronnie Matias bago bitbitin ang 60-44 kalama­ngan sa halftime.

Kumamada naman si Santos kasama si Williams para idikit ang San Miguel Beer sa pagtatapos ng third quarter, 81-82, bago kunin ang 93-91 bentahe sa 4:31 ng final canto buhat sa drive ni Sol Mercado.

Tuluyan nang nakalayo ang Beermen sa 98-91 matapos ang ratsada nina Williams at June Mar Fajar­do sa huling 2:47 ng laro.

Samantala, maghaharap naman ngayong alas-5:45 ng hapon ang Air21 at ang Meralco kasunod ang banggaan ng Alaska at Rain or Shine sa alas-8 ng gabi sa Philsports Arena sa Pasig City. (RCadayona)

San Miguel Beer 102 - Fajardo 26, Williams 23, Santos 18, Mercado 10, Kramer 7, Tubid 6, Lanete 6, Lutz 6, Maierhofer 0, Duncil 0, Chua 0.

Globalport 99 - Lowhorn 38, Washington 14, Cabagnot 13, Romeo 11, Menk 6, Lingganay 5, Yee 4, Matias 2, Ponferada 2, Hayes 2, Salvador 2, Garcia 0.

Quarterscores: 24-27; 44-59; 81-82; 102-99.

BATANG PIER

BEERMEN

FAJARDO

GLOBALPORT

JUNE MAR FAJAR

MALL OF ASIA ARENA

MOST VALUABLE PLAYER ARWIND SANTOS

PASAY CITY

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with