Barao laban kay Dillashaw sa UFC 173

MANILA, Philippines - Magbabalik ang Ultimate Fighting Championship (UFC) sa Sin City na ta­tampukan ng pagdedepensa ni UFC bantamweight champion Renan Ba­rao laban kay wrestler at striker TJ Dillashaw sa main event ng UFC 173.

Nagmula si Barao sa isang first round knockout sa kakampi ni Dillashaw na si Urijah Faber noong Peb­rero para patuloy na pag­harian ang bantamweight di­vision sa ikatlong sunod na pagkakataon.

Samantala, lalaba­nan naman ni Pride at Strikeforce champion Dan Hen­der­son si title contender Da­­niel Cormier sa light heavyweight bout bilang co-main event.

Mapapanood din ang banggaan nina welterweight knockout artists Rob­­bie Lawler at Jake Ellen­berger bilang suppor­ting event.

Ang UFC 173: Barao vs Dillashaw ay mapapanood via satellite sa Balls Channel, ang tahanan ng UFC, bu­kas simula alas-10:30 ng umaga.

Show comments