^

PSN Palaro

Dato lumangoy ng 3 ginto

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung paramihan ng nakuhang gintong medalya ang pag-uusapan ay hindi dapat kalimutan si 2010 Youth Olympic Games campaigner Hannah Dato.

Dinomina ng 20-anyos na si Dato ang tatlong events sa swimming competition ng 2014 PSC National Games kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex.

Inangkin ni Dato ang mga gold me­dals sa 200-meter freestyle (2:09.90), 50m butterfly (29.63) at 400m individual medley (5:09.49).

Sa 2013 PNG ay limang gintong medalya ang sinikwat ni Dato.

Sa athletics event sa Philsports sa Pasig City, itinakbo ni Mervin Guarte ang ginto sa men’s 8,00m run sa kanyang oras na 1:52.26, habang si Marilyn Avila ang nanalo sa women’s 400m hurdles sa kanyang bilis na 1:06.80.

Sa chess, isinulong ni Oliver Dima­kiling ang gold medal sa men’s blitz event kasunod sina Jan Michael Garcia (silver) at Richard Bitton (bronze).

Pinitas naman ni Benadette Galas ang ginto sa women’s blitz sa itaas nina Mikee Charlene Suede at Arvie Lozano.

Sa wrestling sa Riverbanks Center sa Marikina City, inangkin ni Mixed Martial Arts expert Mark Strigle ang gold sa men’s -70kg freestyle event makaraang biguin si Jefferson Manatad sa finals. (RC)Cadayona)

ARVIE LOZANO

BENADETTE GALAS

HANNAH DATO

JAN MICHAEL GARCIA

JEFFERSON MANATAD

MARIKINA CITY

MARILYN AVILA

MARK STRIGLE

MERVIN GUARTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with