Energy Cola vs Bolts; Beermen kontra Aces sa PBA Governor’s Cup, unahan sa buwenamanong panalo
MANILA, Philippines - Matapos ang tatlong araw ay papagitna naman ang 2014 PBA Governor’s Cup.
Bubuksan ng Meralco at Barako Bull ang kani-kaÂnilang kampanya sa pang alas-3 ng hapon niÂlang banggaan kasunod ang salÂpukan ng San MiÂguel Beer at Alaska sa alas-5:15 sa Smart Araneta CoÂÂliseum.
Sa Mayo 21 naman siÂsimulan ng San Mig Coffee Mixers, nagkampeon sa 2014 PBA Philippine Cup at sa katatapos na Commissioner’s Cup, ang pagÂdedepensa nila sa GoÂvernors’ Cup laban sa BaÂrako Bull.
Itatampok ng Meralco si NBA veteran Terrence Williams, habang itatapat ng Barako Bull si Eric Wise na anak ni dating PBA reinforcement Francois Wise.
Ang 6-foot-5 na si Francois Wise ay minsang umiskor ng 74 points sa PBA para sa Tanduay noÂong Agosto 10, 1983.
Ang 210-pound na si Williams ay nagposte ng mga career averages na 7.1 points, 3.6 rebounds at 2.4 assists sa 153 laro at apat na seasons niya sa NBA.
Kumampanya si Williams sa NBA para sa New Jersey Nets (ngayon ay Brooklyn Nets), Houston Rockets, Sacramento King at Boston Celtics.
Sa nakaraang season ng NBA D-League ay nahirang si Williams, ang No. 11 overall pick ng Nets noÂong 2009, bilang Player of the Month para sa Los Angeles D-Fenders, ang farm league ng LA Lakers.
Nagtala siya ng mga averages na 21.5 points, 6.1 assists at 4.8 rebounds noong buwan ng Enero para sa L.A. D-Fenders.
Sa 110-103 panalo ng Meralco laban sa Alaska sa kanilang tune-up game ay nagsalpak si Williams ng 10 three-point shots para tumapos na may 37 points.
Samantala, ibabandera naman ng Beermen si RegÂgie Williams laban sa Aces na pamumunuan ni Bill Walker.
Si Walker ay pinagmulta ni PBA Commissioner Chito Salud ng P20,000 dahil sa pagsuntok sa sikmura ni two-time MVP Danny IlÂdefonso ng Meralco sa kaÂnilang tune-up game.
- Latest