^

PSN Palaro

Flying Spikers nagpakilala agad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginamit ng Air Asia Fly- ing Spikers ang matagal ng samahan ng kanilang manlalaro upang sorpresahin ang Cagayan Valley Lady Rising Suns, 26-14, 25-19, 27-25, sa unang laro sa women’s division ng 2014 PLDT Home DSL-Philippine Super Liga (PSL) All-Filipino Confe­rence noong Biyernes ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Gumawa si Stephanie Mercado, ng 14 puntos pero naroroon ang suporta nina Cha Cruz at No. 2 pick na si Abigail Maraño upang saluhan ng expansion team na pag-aari ni Mikee Romero ang Cignal sa liderato sa 1-0 karta.

“Iba na talaga kapag ki­lalang-kilala mo ang mga pla­yers mo. Alam mo na agad ang executions at adjustments sa laro,” wika ni Air Asia coach Ramil de Jesus sa kanyang manla­la­ro na hinawakan ang La Salle sa UAAP.

Bagamat mahigpitan ang laban, ang Flying Spi­kers ang nanaig sa mga ma­hahalagang puntos para itulak ang Lady Rising Suns sa unang pagkatalo sa li­gang inorganisa ng Score at handog ng PLDT Home DSL bukod sa suporta ng Mikasa, Asics, Mueller Tapes, Jinling Sports Equipment, LGR, Bench at Healthway Medical.

Si Cruz na siyang team captain ng koponan ay may 10 puntos, habang si Maraño na dating two-time UAAP MVP ay may limang puntos sa unang laro sa  liga. (ATan)

ABIGAIL MARA

AIR ASIA

AIR ASIA FLY

ALL-FILIPINO CONFE

CAGAYAN VALLEY LADY RISING SUNS

CHA CRUZ

CUNETA ASTRODOME

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with