Labanda, Mordido sumalo sa itaas sa age-group chessfest

SAN Antonio, Quezon , Philippines  --Namayani sina Jarvey  Labanda ng  Daraga, Albay,  Reishi Boy Polan ng Tagbilaran City, Je­re­my Pepito ng Cebu City, Stephen Rome Pangilinan ng Manila at Kylen Joy Mordido ng Las Piñas City upang pagsaluhan ang liderato sa boys at girls 12 years old  at under categories  sa 2014 National  Age-Group Chess Championships Grand Finals sa Leahchar Resort at  Leisure Park.

Pinabagsak ni Labanda ang dating lider na si Emanuel Van Paler ng Tondo, Manila, habang pinayuko ni Mordido si Darlyn Villanueva ng Tanauan City sa 51 moves ng English Opening upang sungkitin ang liderato sa kanilang 3.5 puntos.

Sa boys  10-under  category, nagwagi sina Michael Concio Jr. ng Sta. Rosa, Laguna at  Daniel Quizon ng Taytay, Rizal para manatili sa trangko sa kanilang apat na puntos.

Dinaig ni Concio si Clyde Harris Sa­raos ng Cagayan de Oro City sa 44 moves ng Caro Kann Defense, habang pinabagsak ni Quizon si John Michael Castillo ng  Manila matapos ang  45 moves ng Ruy Lopez.

 Sa girls  10-under  division,   nagtabla sina Jerlyn Mae San Diego ng Dasmariñas City  at  Ma. Elayza Villa  ng  Mandalu­yong City sa 47 moves ng French Defense  upang tanganan ang liderato matapos ang fourth round.            

Ang naturang kumpetisyon ay itinataguyod ng Municipal Government ng San Antonio, Quezon, sa pangunguna nina Mayor Erick M. Wagan, Vice Mayor Jay S. Vesuño at  Municipal  Council, ang ino­organisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).           

 

Show comments